Happily married muntik ng madagit ng iba

Image title

Happily married ang magandang si Rowena Del Rosario at ang pabango
niyang gamit ay nagbibigay ng extra alindog na feeling sa kanya. Dream Love
1000 perfume lang ang tanging pabango niya dahil dito niya laging nakukuha ang
kahinaan ng kanyang asawa.

Isang araw nang siya ay nagawi sa Sham Shui Po para mag-shopping ay
nasangga siya ng isang lalaki na may makisig na pangangatawan at siya ay
napasubsob sa floor. Madalian siyang tinulungan ng lalaki na tumayo hawak sa
braso habang panay ang hingi nito ng paumanhin. Nagtagpo ang kanilang mga
mata at habang siya ay patayong hinahawakan ng lalaki ay may malisya ang
pagtingin at pagkahawak sa kanya. Nagawa pa nang lalaki na pabulong siyang
sinabihang “you smell so good.”

Naalala ni Rowena ang Dream Love niyang pabango na nabibili niya sa
World Wide sa halagang HK$88 lamang. Nawala sa isip niya na nagpabango siya
bago umalis bahay. Hindi halos makaalis sa tabi niya ang lalaki at pilit na gusto
yata na ang pag-alalay kay Rowena paraan para mapalapit ito sa kaniya. Ilang
saglit pa ay sinabi kunwari ni Rowena na naghihintay ang kanyang asawa kung
kaya’t bakas ang pagka-dismaya nito at walang paalam na tinalikuran siya ng
lalaki.