Mahabang pila sa remittance hindi alintana

Image title

Bagong sweldo si Rogelyn Cruz ng araw na nagpunta siya sa World Wide House sa Central para mag-remit ng pera sa Pilipinas sa kanyang pamilya. Habang nakapila ay nakilala niya si Ronald, isa ring Pinoy na may makisig na tindig at maginoong nakipag-kaibigan sa kanya. Nasusuya na siya sa haba at tagal ng pila, subalit naibsan ang pagka-bagot nang si Ronald ay nakipagusap sa kanya.

Alam ni Rogelyn at feel niya obviously na nabanguhan sa kanya si Ronald kaya napansin siya. Masayang makipagusap si Ronald kaya ilang sandali nawili siya dito. Nakipaghuntahan at tawanan sila sa isa’t-, kapwa nagka-alaman na pareho pala sila na single, wala pang mga parehong kapareha. Nagbiro si Ronald at sinabing sana ay hindi na matapos ang pila. Sumagot naman ang dalaga at sinabing “pwede naman nating pahabain kahit umikli na!” Dito nagkaron ng pagkakataon si Ronald na tanungin ang sekreto ng bango niya, bulalas na sinabi ni Rogelyn na Dream Love 1000 perfume na gawa pa sa Englatera. 

Mismong si Ronald na ang nagsabi kay Rogelyn na lagi siyang magpabango nito at sana madalas silang magkita. Naghiwalay pansamantala ang nagkapalagayang-loob na binata at dalaga na parehong taglay ang ngiti at galak sa muli ng pagkikita.