‘Basta driver, sweet lover?’

Image title

Hong Kong

Dear Hong Kong News,

Sumulat po ako para humingi ng tulong sa inyong publication na maiparating (ang aking suliranin) sa mga kababaihan at mga kalalakihan na nagtatrabaho diyan sa Hong Kong.

Kasalukuyan akong nakatira ngayon sa Canada as permanent resident (matapos) magcross country from Hong Kong. Nagtrabaho din ang aking asawa sa Hong Kong as driver since 2012 hanggang nakuha ko siya dito nitong 2016.

Nag-antay ako ng limang taon bago ko sila nakuha ng anak ko. Ngayon, ang problema ko po, nagkaroon ng ibat-ibang babaeng karelasyon ang aking asawa habang nagtratrabaho siya diyan.

Tinanggap ko ang lahat mabuo lang ang pamilya namin. Pero ang masakit ay pagdating niya dito akala ko ok kami pero nung makuha niya ang PR card niya every time na may tampuhan kami o arguments, ang panakot niya ay uuwi siya.

Hanggang isang araw nagpa book na lang (siya) ng ticket. Umuwi siya (noong) November 2. Iniwan kaming mag-ina dito sa Canada.

Nalaman ko na lang na babalikan niya ang kabit niya sa Hong Kong. Masakit para sa anak ko na nag-antay na mabuo kami pero sisirain lang pala ng isang babae na ewan ko kung tawag lang ba ng laman o tunay na pagmamahal.

Gusto ko po sanang kasuhan ang asawa ko at ang kanyang kabit diyan sa Hong Kong pero hinde ko alam kung paano at maaaring dalhin niya dito ang kanyang kabit.

Sana magkaroon ng parusa para sa mga taong kagaya nila na homewrecker at sa mga lalaki na babaero. Kawawa ang mga pamilya na nag-aantay sa kanila at mas kawawa ang mga anak na umaasa at malaki ang nagiging epekto sa kanila.

Salamat,

W.

Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180