Dear Editor

Image title

Mong Kok

Dear Hong Kong News,

 

Hello po. Puwede po ba i-share ko po ang experience ko noong umaga ng July 14 habang namamalengke po ako? Para po paalala sa mga kababayan dito sa Hong Kong yung ginawa po sa akin ng isang Chinese na tindero ng isda.

Nanghihingi lang po ako ng resibo kasi hinahanapan po ako ng resibo ni amo. It’s so sad kasi tinapon yung isda at sabay tinulak ako papalayo.

Maraming nakakita sa ginawa ng tindero na pagpapahiya at pagtulak sa akin, na muntik na akong nasubsob sa daanan.

Hindi po ako natumba kasi nkapag-balance po ako pero basang-basa po ako sa ulan. Ang ibang kababayan natin galit na galit sa tindero.

Kaya sinabihan ako na tumawag ng police para mabigyan ng leksyon yung Intsik. Kaso ako ang ayaw kasi iwas na lang sa gulo. Pero tinawagan ko kaagad amo ko.

Three years pa lang po ako dito sa Hong Kong (at) same employer pa din. Thank you po at pasensya na po sa abala.

Ipasa Diyos ko na lang yung tindero. Si God na bahala sa kanya, basta ang importante hindi ako nasaktan.

 

Lubos na gumagalang,

Ann L.M.

Kowloon

Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180