Dear Editor

Image title

Dear Hong Kong News,

Isang napakagandang araw sa inyong lahat na bahagi ng aking paboritong pahayagan sa Hong Kong!

Una muna ang aking taos-pusong pasasalamat sa inyong lahat na bumubuo ng pahayagang ito upang
mapanatili kaming updated sa lahat ng kaganapan dito sa Hong Kong maging sa Pilipinas.

Nagpasya akong sumulat upang umaapela sa aking mga kapwa OFWs lalo na ang mga mahilig pum-
westo sa mga public places ng Cenral, Admiralty at sa iba pang lugar. Paalala lang mga kapatid na sana naman ay panatilihin natin ang kalinisan at maging responsible na itapon o linisin ang mga kalat.

Saludo ako sa mga grupong nag-iinitiate ng regular clean-up drive sa Central at Admiralty sana naman ay maging modelo at inspirasyon natin sila na bigyang halaga din ang kalinisan. Nakakalungkot tignan na pag gabi, pagkatapos ng araw ng day-off ay naiiwan ang tambak na mga kalat sa mga lugar na ginawang tambayan.

Sana naman ay maantig tayo na gawin din ang ating dapat gawin na maging responsible sa paglilinis  ng ating sariling kalat at huwag na nating hintayin pa na pagbawalan na tayong gamitin ang mga public premises dahil na rin sa ating mga kagagawan.

Maraming salamat at nawa’y malathala ang aking sulat at kahit papaano ay may mamulat na mas maging responsable at huwag maging manhid sa mga nararapat gawin bilang isang mabuting mamamayan
kahit na nasa ibang lugar.

More power and Godspeed Hong Kong News!
Lubos na gumagalang,
Elaine R.

Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180