Fake mobile phones na kumakalat sa Central

Image title

Dear Editor,
Magandang araw po sa inyo Hong Kong News. Sana po ang sulat kong ito ay maging daan upang ang ating mga kababayan ay maging maingat kapag bumibili ng phone o kaya electronic gadget.
Dahil may kalumaan na ang gamit kong cell phone, naisipan kong bumili ng bago sa Central. As usual, nag window shopping at nagtanong tanong muna sa ilang mga shops na may pagkakaiba sa presyuhan kahit parehong tatak.
Finally, nakabili ako ng Samsung Galaxy S5 neo doon sa Worldwide Plaza, dahil yung sales staff ay Pinay ay maamo.
Kilalang brand at original sabi nya. Stylish at maganda ang inilabas nyang unit kaya kinuha ko na. Binigyan pa nga ako ng special discount. Tingin ko pa lang sa box, feeling ‘wow’ na ang dating sa akin. Mas madali at mabilis na ang aking  komunikasyon sa mga barkada at pamilya ko sa ‘Pinas.
So pag uwi ko sa bahay, naayos ko naman ang setting up. After a week, napansin ko na humina ang volume kahit ito ay nasa maximum na. Nakita ko din na ang camera ay hindi rin masyadong malinaw at parang konting improvement lang kung ikumpara ko sa lumang phone ko.
Nagagamit ko naman sa regular na tawagan pero parang hindi nag level up sa expectation ko. Sa aking pag-iimbestiga, napagalaman ko na iba iba yung serial number ng phone. Ano po kaya ang dapat kung gawin?
Salamat po,
Joy Valdez – Sai Ying Pun
Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180