Sinisisi ang kasambahay sa pagkakasakit ni popo

Image title

Overseas Filipino workers

Dear Editor,

Hello madam. Good afternoon po. Gusto ko lang po humingi ng advice kung puwede po kaya ako mag one month notice sa amo ko.

Kasi po si madam, dito niya po pinatira ang mother niya na may breast cancer pero nagpapagaling na po dahil naoperahan na sya.

Nagpapalakas lang sa amin, pero syempre, inaasikaso ko po pagkain nya po pati pag-laba sa damit niya.

Okay lang po sa akin kahit ganoon kasi mabait naman po si popo. Kaya lang po nagkasakit ako ng isang linggo. Okay na po ako ngayon pero si popo naman ang may lagnat po ngayon.

Nagagalit po si madam. Dahil daw po sa akin kaya nagkasakit si popo. Bawal daw po magkasit ang ina nya.

Ano po ang gagawin ko? Nasaktan po ako sa sinabi nya. What if magka-ubo ako? Sisisihin na naman niya ako?

Pangatlong kontrata ko na po dito at ngayon lang po ako napagalitan at nilakihan ni madam. Kaya ang sakit po sa pakiramdam. Hanggang ngayon, umiiyak pa po ako. Tama po ba na mag-one month notice na lang ako?

Kung tutuusin po, nakatipid sila sakin dahil naalagaan ko ina nya. Tapos yun pa po ang sasabhin nya sa akin. Salamat po.

Lubos na gumagalang,

LD

Hong Kong

Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180