Baka ma-overload daw

Image title

SA lahat ng iniiwasan ng mga kasambahay ay ang makasira ng gamit dahil bukod sa mapapagalitan
ay pababayarin pa.

Nasira ni Jessa, 31, may asawa at anak at taga-Malabon, ang vacuum cleaner dahil hinala niya ay nasobrahan ang
paggamit dito. Hindi naman sya pinagbayad ng amo si Jessa kaya lang hindi agad bumili at susubukan raw muna dalhin sa pagawaan at baka sakali raw makumpuni pa. Mahigit dalawang linggo na ang nakaaan at hindi pa rin ipinapaayos
ng amo kaya naghanap siya ng basahan.

Hirap sa umpisa pero nasanay na rin si Jessa hanggang sa naawa na rin yata ang amo ay iniuwi muna ang
ginagamit na vacuum cleaner sa opisina. Parang nanibago si Jessa na gamitin ito kaya kinabukasan ay basahan na
uli ang ginamit niya. Napansin siya ng amo kaya nagtanong kung bakit basahan uli ang ginagamit at kung nasira na naman daw ba agad ang vacuum cleaner. Sumagot si Jessa na kaya nga hindi niya ginagamit dahil nag-aalala siya na baka ma-overload uli ito.

Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180