Dahil sa pansit bihon

Image title

SA tagal na ng panahong paninilbihan sa kasalukuyang amo ni Sarah, 58, balo, may tatlong anak, at tubong Pampanga, kabisado na niya ang ugali at hilig ng bawat isa sa kanila, lalong-lalo na pagdating sa pagkain.

Kaya kapag gustong makakain ng lutong Pinoy ni Sarah ay magluluto siya para sa pananghalian nila ng mga amo.
Bihon ang madalas niyang lutuin dahil subok na niyang gusto rin ito ng kanyang mga amo. Nang makaluto na siya ay tinanong ni Sarah ang amo kung sasandukan na siya bago umalis para hatiran ng tanghalian ang alaga sa paaralan.

Mamaya na lang daw at sasandok na lang siya mag-isa at may tinatapos pa siyang sinusulat na dadalhin niya sa opisina. Pero nagtanong ang amo kung ano raw ang niluto ni Sarah dahil mabango ang amoy. Nang malamang pansit bihon ay biglang sinabi nitong nakaramdam ng gutom kaya kakain na muna saka na lang
tatapusin ang sinusulat.

Paborito raw kasi ng amo ang bihon.Napangti si Sarah ng sumandok pa uli ng pangalawang pinggan ang amo. Akala ni Sarah ay nakontento na ang amo sa dalawang pinggang pansit. Hindi pa pala dahil tumawag bandang hapon ang amo para magtanong kung mayroon pang natirang pansit. “Nayamot si Sarah at sinisi ang sarili kung bakit kasi nagluto na naman siya ng pahamak na bihon. Minsan lang kasi kung umalis ang amo ng bahay pero hayan at
uuwi raw siya para mag meryenda”.

Dapat bang matuwa si Sarah dahil nagustuhan o kaya mainis dahil sa halip na sa labas na lang magmeryenda ay umuwi pa kahit medyo malayo rin ang distansiya ng opisina. Mabuti na lang daw at dinamihan ni Sarah ang niluto kaya may natira pa. Sa susunod, hindi na raw bihon kundi pansit canton na lang ang lulutuin ni Sarah
para hindi umuwi ang amo.

Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180