Damay lahat sa kahihiyan

Image title

HIYANG-hiya si Clara ,30, may asawa at anak, tubong Baguio, sa ginawa ng kasambahay ng kaibigan ng amo niya.

Magkaklase ang mga alaga nila kaya sa tuwing magkukuwento ang dating alaga ng kasambahay sa mga kaklase at kaibigan ay nahihiya si Clara.

Ninakaw daw ng kasambahay ang pera nilang magkapatid na nagkakahalagang anim na libo, wala na raw ang mga damit at nag-iwan daw ng sulat na humihingi ng sorry sa mommy nila.

Napakabait ng amo na ito at ang sabi kay Clara sana raw nagsabi lang ang kasambahay na kailangan niya ng pera. Bakit daw ginawa at sinira pa ang trabaho niya? May naikuwento raw ba itong problema? Napakalaking problema daw ba para sirain ang pangalan sa ganung kaliit na halaga?

Sumagot ni Clara na wala naman nabanggit at siya man ay hindi makapaniwala na ginawa iyon ng kasambahay. Sinabi pa ni Clara na para sa kanya, siya ay nagtungo sa Hong Kong upang magtrabaho at kumita at hindi para magnakaw.

Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180