Dapat nga bang hangarin na makapag-asawa ng banyaga?

Image title

Filipino domestic workers in Central

HINDI pinapansin ni Diana, 30, dalaga, tubong Marinduque, ang mga manliligaw niyang Pinoy dahil ang gusto niyang mapangasawa ay dayuhan.

Bata pa kasi siya marami na siyang naririnig noon na kaya nakapagpatayo ng magandang bahay at nakapunta sa ibang bansa si ganito at si ganun kasi nakapag-asawa ng taga ibang bansa.

Kaya iyon ang nakatanim sa utak ni Diana. Ito na rin ang naging dahilan kung bakit naisipan niyang magpunta sa Hong Kong at mamasukan kahit kasambahay sa pagbabakasakaling makapag-asawa din siya ng isang banyaga na makatutulong sa kanyang abutin ang kanyang matagal nang pinapangarap.

Pero napapaisip siya nang napapansin niya ang namamahala sa pinapasukan ng alaga niya sa pag-aaral mag gitara na ang asawa ay Amerikano.

Nakita kasi ni Diana na kung ano-anong raket ang ginagawa para lang may maipadala sa mga magulang niya.

Isa pa lagi itong hirap makauwi kahit kailangan talagang umuwi pero nanghihinayang sa pamasahe.

Sa halip na umuwi ay pinipili na lamang nitong ipadala ang pera sa kanyang pamilya sa Pilipinas.

Naisip tuloy ni Diana na hindi naman daw pala lahat ng ibang lahi ay may pera. Dahil dito, nasabi niyang susubukan na raw niyang tumanggap ng mga kalahing manliligaw dahil baka raw mapaglipasan na siya.

At maaring sila din naman ang maging daan upang abutin ang pangarap.

Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180