Iiwan ba kita?

Image title

SI Lyn, dalaga at tubong Laguna, ay apat na taon nang naninilbihan sa kanyang mga amo na masasabing simpleng pamilya lamang. Nakatira sila sa isang maliit na flat sa New Territories. Kakwarto nya ang kanyang alagang apat na taong gulang na siya na ang nagpalaki. Alam niyang di naman kalakihan ang sahod ng mag-asawa kung kaya’t tipid na tipid sila lalo na sa pagkain.

Madalas na instant noodles o kaya ay ilang pirasong dumplings lang ang kanyang tanghalian at dahil sa kagustuhan  niyang kumain ng maayos, lalo na sa tanghali, ay madalas siyang bumibili na kabawasan din sa kanyang tinatanggap na sweldo.

Tatlong buwan na lang ay malapit nang matapos ang kontrata ni Lyn at maya’t maya na siyang kunukulit ng kanyang
amo kung pipirma pa sya. Di pa maibigay ni Lyn ang kanyang sagot dahil pinag-iisipan pa nya ng husto. Kung tutuusin ay mababait naman ang kanyang mga amo at itinuturing syang kapamilya.

Ramdam niya ito lalo na sa mga panahong may sakit siya, binibigyan siya ng panahong makapagpahinga ng kanyang
among babae. Napapaisip lang si Lyn dahil nga sa sitwasyon sa pagkain na alam niyang mahirap mabago dahil nga sa nagtitipid ang kanyang amo at pinagkakasya lang ang kanilang di naman kalakihang sweldo. Napamahal na rin sa kanya ang kanyang alaga na sobrang dikit sa kanya dahil sa siya nga ang nag-alaga magmula ng isilang ito.

Sinubukan niyang magdownload ng apps kung saan napakaraming job posts at magaganda pa ang offer na sweldo.
Napapaisip siya ng husto lalo na at pinapayuhan din siya ng mga kaibigan na sumubok ng iba.
Sa tuwing iisipin nya kung ano ang kanyang magiging desisyon, sumisiksik sa isip nya ang kanyang alaga at nasasambit tuloy nya sa kanyang sarili na iiwan ba kita?

Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180