Kapag may tiyaga may nilaga.

Image title

WALA pang isang buwan si Rowena, 40, tubong Batangas, sa kanyang bagong pamilyang pinagsisilbihan subalit nais na niyang putulin ang kanyang kontrata. Mistula siyang trumpo magmula alas 5 ng umaga hanggang alas 11 ng gabi sa dami ng ginagawa lalong-lalo na sa pag-aasikaso sa kanyang dalawang alaga.

Malaking hamon din kay Rowena ang isang alaga dahil napakailap nito at sobrang iyakin. Hindi birong hirap ang naranasan niya lalo na at stay-in ang kanyang among babae. Naninibago din siya dahil halos di na niya mahawakan ang kanyang telepono sa maghapon sa kaabalahan.

Sa gabi naman ang nais pa ng amo ay ilagay sa airplane mode dahil sa kakwarto nito ang isang bata.  Sa payo ng kanyang mga kaibigan na magtiis muna dahil siya ay nasa adjustment stage pa lamang.

Sa kagustuhan niyang makapag-ipon upang maisakatuparan ang kanyang mga mithiin sa buhay, hindi na nya namalayan na naka- apat na buwan na pala siya sa kanyang mga bagong amo.

Dahil sa pagtyatyaga, unti- unti na niyang nahuhuli ang loob ng kanyang mga alaga at gayundin ang kanyang mga amo. Labis siyang natutuwa dahil ang mga batang napakailap sa kanya noon aymarunong nang mag-aapreciate sa kanyang mga ginagawa. Madalas siyang sinasabihan ng mga itona masarap ang kanyang mga luto kahit na asin, asukal at toyo lang ang kanyang gamit dahil sa pagiging health conscious ng kanyang among babae. Inienjoy na lang ni Rowena ang kanyang daily routine.

At kahit pagod ang kanyang katawan nakamit na rin niya ang peace of mind dahil nalampasan na niya ang period of adjustment. Buo ang kanyang loob, ayon kay Rowena.

Tatapusin niya ang kanyang kontrata sa kagustuhan niyang matupad ang kanyang mga goals sa buhay kaya hinaharap niya ng may ngiti ang mga hamon sa kanyang trabaho sa araw-araw.

Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180