Last trip, pero nasa front seat naman!

Image title

Filipino domestic helpers in Exchange Square in Central.

AYAW ni Helen, 42 , dalaga na matulad sa kaniyang mga tiyahin na hindi na nagsipag- asawa.

Sobrang nawili ang kanyang mga tiyahin sa kanilang trabaho sa Hong Kong kaya nakalimutan na ang pag-aasawa.

Si Helen bagamat hindi naging maswerte sa kanyang mga nakalipas na relasyon ay hindi pa rin sumuko sa ngalan ng pag-ibig. Pinagpalit man siya ng kanyang nobyo sa kanilang kapitbahay sa Pilipinas, gayon din ang kaniyang naging chatmate na nagtratrabaho sa Saudi na nagpakasal sa isa pa nitong chatmate ay hindi siya nawalan ng pag-asa.

Sinubukan niya ang isang dating website na tinuro sa kanya ng isang kaibigan.

Napakarami ang naging interesado sa kanya subalit isa ang nakapalagayang loob niya si John , taga Amerika na bagamat mas matanda sa kanya ay natutunan niyang mahalin dahil sa kabaitan nito.

Sineryoso siya ni John, diborsyado, at pinakasalan. Tumutol nang husto ang kanyang mga tiyahin sa kanyang pagpapakasal ngunit hindi ito inintindi ni Helen.

Pinaniwalaan at nanalig siya sa pagmamahal ni John na ginawa lahat ang paraan upang siya ay madala sa Amerika.

Ngayon si Helen ay maligayang namumuhay sa lugar ni John. Biniyayaan sila ng bagong silang na sanggol na babae.

Sa tuwing naiisip ni Helen ang kanyang naging kapalaran, napapangiti siya.

Kumbaga sa pagsakay, last trip na siya ngunit maswerteng nakaupo sa front seat dahil sa kanyang maginhawang buhay na tinatamasa ngayon.

Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180