Maagang Biyaya sa Mother’s Day

Image title

Lai See red packet

NASORPRESA nang husto si Donna, 30, tubong Isabela, nang isang umaga ay inabutan siya ng laisee pocket na may lamang 5,000 Hong Kong Dollars.

Agad niyang tinanong sa amo kung para saan ang inabot na pulang sobre at ang sabi sa kanya ay regalo daw sa kanya para sa Mother’s day dahil siya daw ay napakabuti at ulirang ina.

Nag-uumapaw ang kanyang kasiyahang tinanggap ito hindi lang dahil sa pera kundi napakasaya niya dahil sa tinuran ng kanyang amo na siya ay napakabuti at ulirang ina.

Madalas kasing makipagkwentuhan ang kanyang among matandang dalaga sa kanya at gustong-gusto nitong makibalita tungkol sa kaniyang tatlong anak.

Dahil sa talagang palagay ang loob sa amo halos lahat ng pangyayari tungkol sa kanyang mga anak ay nasasabi niya dito.

Maagang nabiyuda si Donna kaya solo niyang itinataguyod ang ikakabuhay ng kanyang mga anak.

Maswerte siya dahil kahit na ang mga anak lang ang naiwan sa bahay ay lumaki silang mababait at masunurin sa kanya. Hindi naging sagabal ang kanyang trabaho sa malayo upang magampanan pa rin ang kanyang pagigiging “ina” sa kanyang mga anak.

Maswerte siya dahil maluwag ang oras niya dahil nga sa nag-iisa lang naman ang kanyang pinagsisilbihan kung kaya’t nasusubaybayan at nagagabayan niya ng husto ang kanyang mga anak.

Sobra-sobrang pasasalamat sa Diyos ang laging sambit ni Donna dahil sa napakabait na amo ang natagpuan niya sa Hong Kong.

Balak niyang idagdag sa kanyang ipon ang biyayang natanggap para sa natatanging araw, biyayang di-inaasahan mula sa among super bait at mapagbigay.

Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180