Mag-ingat sa mga pinopost sa internet

Image title

KAHIT ano na lang yata ipino-post na sa Facebook. Ultimo kakainin ipopost pa. Anim na taon na sa among kasalukuyang pinaglilingkuran si Dora, 28, dalaga, na taga Bulacan. Kapag may gustong kainin si Dora, bumibili siya ng mga sangkap gamit ang sariling pera para iluto ang pagkaing naisipan.

Mas makakatipid raw kasi siya kaysa bumili ng luto na. Minsan, nasasayang pa raw dahil kapag hindi niya nagustuhan ang lasa ay itinatapon na lang niya ito. Kaya minamabuti na lang ni Dora magluto ng sarili kahit medyo nakakapagod din at hindi pa siya mag iisip habang kumakain kung malinis ba ang pagkakagawa o hinugasan bang maayos ang mga sangkap. Maitatabi pa raw niya ang iba para sa susunod na araw. Madalas pagkaing Pinoy ang niluluto ni Dora. May kakanin at minsan pang-ulam naman dahil sawa na raw siya sa pabalik-balik at pare-parehong putahe ng buong linggo sa loob ng anim na taon. Kapag sadyang marami ang naluluto ay binibigyan ni Dora ang mga kaibigan sa kanilang gusali lalo na ang alam niyang walang pagkakataon magluto dahil hindi pumapasok sa trabaho ang amo.

May mga amo rin na ayaw ng amoy ng lutong Pinoy kasi masyado raw matap ang at acidic. Ang ibang amo, kuripot kaya ang sabi dagdag gastos raw sa gas, aksaya sa tubig, at abala sa pa oras kung magluluto. Gusto kasi ng mga amo masulit ang bawat sentimong ibinabayad sa kasambahay kaya ayaw makita at malaman na ginagamit ang oras sa pansariling bagay ng kanilang manggagawa. Mabuti ang sitwasyon ni Dora at nakakapagluto siya dahil umaalis ang amo araw-araw para pumasok, maliban na lang kung kailangan pumunta sa paaralan ng mga anak at kung may sakit. Minsan sa pamamalengke ni Dora, may nakita siyang magandang klaseng kamote kaya bumuli siya at ginawang kamoteque.

Pakaluto, inayos niya sa pinggan at kinuhanan ng picture para i-post sa mga kaibigan. May kaibigan siyang kasunod ang pangalan ng amo niya at, dahil bahagyang may mantika at madulas ang daliri, kaya pangalan ng amo ang napindot. Maya-maya, may mensahe na ang amo at galit na nagtanong kung bakit ang sarap daw tingnan ng niluto ni Dora samantàlang ang niluluto para sa kanila ay hindi. Nagdahilan si Dora na post ng kaibigan niya iyon para magtanong kung sino ang gustong bumili. Paano raw manggaling sa kaibigan yun e kita sa picture ang kanilang
dingding, lamesa, at ang pinggan na kilalangkilala niya. Nangatuwiran si Dora na bumili siya at isinalin niya lang. Hindi na ulit nagreply ang amo at napabuntong hininga na lang si Dora.

Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180