Mas masaya ang buhay sa piling ni lola!

Image title

Si Ana, 35 tubong Batangas ay mahigit isang taon nang nagtratrabaho sa kanyang employer na 70 years old na lola. Malakas pa si lola at napakabait kaya hindi nagsisi si Ana sa kanyang desisyon na subukan na mag-alaga ng matanda. Nakailang palit na ng amo si Ana sa kanyang higit pitong taong pagtratrabaho sa Hong Kong kung saan panay bata ang kanyang alaga. Natiis ni Ana ang lahat ng hirap dahil may mga anak din siyang pinapag-aral.

Nang matapos niya ang anim na taon, nagpasya si Ana na subukan ding mag-alaga ng elderly lalo na at nakadalo na sya ng mga libreng training tungkol sa pag-aalaga ng matatanda. Nagkataon naman na may kamag-anak ang amo ng kanyang kaibigan na naghahanap ng mag-aalaga sa kanilang ina. Sinubukan ni Ana na magpainterview at nagkagaanang loob sila ni lola sa unang pagkikita pa lang.

Pero hindi kaagad-agad umoo si Ana kahit gustong-gusto na nya. Nakailang interview pa si Ana pero panay
naman ang tawag at text sa kanya ng mga anak ni lola at ni lola convincing her na pumirma na ng kontrata. Nagdesisyon si Ana na magtrabaho kay lola at ngayon nga ay nakahigit isang taon na siya at masasabi niyang mas masaya ang buhay sa piling ni lola kaysa mag-alaga ng mga batang makukulit at matitigas ang ulo.

Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180