Modelong Anak ng OFW: “God-fearing Son”

Image title

Name: Ralph Jefferson D. Alvarez
Birthday: November 6,1993
Parents: Sonia Donato Alvarez & Rafael Alvarez (deceased)
Place: Brgy Bulalaan, Sudipen, La Union
Country where his Mother works as OFW : SINGAPORE

Wala pang isang taong gulang si Jepjep (yon ang katawagan sa kanya) noong iwanan siya ng kanyang mahal na ina upang mangamuhan bilang OFW sa ibang bansa. Naiwan si baby Jepjep sa piling ng kanyang lolo’t lola. Masakit sa isang ina ang iwan ang halos infant pa na anak. Subalit tiniis nito ang sakit para sa anak lalo’t mag-isa na siyang magtataguyod sa pangarap nitong mabigyan ng magandang kinabukasan ang anak. Iyan ang isa sa mga mabigat na kalbaryo ng inang OFW.

Maagang naulila sa ama si Jepjep. Gayon pa man, God is so good ika nga. Mahiyain man pero inteligente at mabait siyang bata kaya nagtapos siya sa elementary at secondary school “WITH HONORS.” Kahit magkalayo silang mag-ina hindi naging hadlang iyon para makamtan niya ang kanyang pangarap. Nag-enroll siya sa NPCMTS San Fernando City, La Union sa kursong BS Criminology at sa masinop at buong pusong pag-aaral nagtapos siya noong Marso 2014 as “CUM LAUDE”.

Nag-review at nag-exam rin agad at nakapasa rin agad sa Board Examination for Criminologists noong October 19-21, 2014. Nakapasa rin siya agad sa exams ng NAPOLCOM Examination noong Nov. 9, 2014. He is a faithful and God-fearing youth leader sa Pentecostal Church of God at Duplas, Sudipen,La Union and to the community as well.

At ayon sa mga kabarangay at church pastor sa kanilang baranngay,kahit hindi niya nakapiling sa paglaki ang mga magulang, Ralp Jefferson Donato Alvarez is a youth with good morals. Single in his status and a true Role Model…isa siya sa mga maipagmanalaking anak ng OFW