Nabisto sa pagsisinungaling ng dahil sa manok

Image title

DATI ng namasukan ng ilang taon sa Taiwan si Pilar, 33, may asawa at anak at tubong Davao, nang naisipan niyang lumipat dito sa Hong Kong. Mag-iisang buwan pa lang si Pilar sa mga among may dalawang anak— walo at limang taong gulang—nang pabilhin siya ng isang buong manok para i-steam. Habang pira-piraso niyang tong niluluto,
hindi napigilan ni Pilar ang sarili na kainin yong isang pakpak.

Nang ihain na ni Pilar ang manok, nag-uunahan ang magkapatid sa paghahanap ng mga pakpak pero isa lang ang
nakita kaya nag-away at nag-agawan sila. Pakpak pala ang paborito ng mga alaga. Nagtaka ang amo ni Pilar kung bakit kailangan mag-away ang dalawang anak e dalawa naman ang pakpak ng manok. Tinanong si Pilar ng amo kung bakit wala ang isang pakpak. Sinabi ni Pilar na nahulog sa sahig nang pinipiraso kaya itinapon na niya ito.
Ipinaliwanag na lang ng amo sa mga alaga ni Pilar na marumi na ang pakpak kaya itinapon na ito. Nakahinga ng maluwag si Pilar nang maniwala ang amo sa idinahilan niya. Makalipas ang tatlong linggo, pinabili na naman si Pilar ng amo ng buong manok at ipinaluto para sa kanilang hapunan.

Sabik na naman ang magkapatid sa pagdampot ng paboritong parte ng manok pero nabigo pareho dahil walang pakpak na nakita kahit isa. Nang tanungin si Pilar kung bakit wala ang mga pakpak, ikinatuwiran si Pilar na nahulog sa lababo at lumusot dahil walang salaan ang hugasan. Nagduda ang amo at sinabihan si Pilar na sa banyo na muna maghugas ng pinagkainan at huwag gamitin ang lababo paran patingnan sa tubero kinabukasan.

Tumawag nga ang amo ng tubero para malaman kung nagsasabi ng totoo si Pilar at pinabuksan ang nakasahod na tubo sa ilalim ng lababo. Nang mabuksan, wala ang mga pakpak na sinasabi ni Pilar na lumusot. Hinarap ng amo si Pilar at sinabihan na nagsisinungaling siya. Bakit daw kailangan pang magsinungaling. Pwede naman raw niyang sabihin na pakpak rin ang gusto niyang parte sa manok para magpabili pa ng dagdag na pakpak sa tindahan. Pinababa ng amo si Pilar ng araw ring iyon. Napakaliit na bagay raw bakit kailangan pang magsinungaling. Sa lahat raw na ayaw ng amo ay ang sinungaling na pinagkakatiwalaan niya sa loob ng kaniyang pamamahay.

Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180