Nablock ng anak sa FB

Image title

FB

HINILING ng nag-iisang anak na mag-swimming party bilang pagdiriwang ng ika-15 kaarawan sa ina nito na si Martha, 42, hiwalay at tubong Cebu.

Hindi pinagbigyan ni Martha ang anak at sinabing isang libo lang ang ibibigay niya para ipang libre sa mga kaibigan.

Nagkaroon sila ng pagtatalo hanggang isang araw ay hindi na nakipag-usap ang anak. Hindi na rin siya makapag padala ng mensahe sa FB dahil hindi na niya mahanap ang account nito. Kaya wala na siyang nababasang balita tungkol dito.

Napagtanto ni Martha na nablocked na pala siya ng anak sa FB. Hindi mapakali si Martha at naikuwento niya ito sa mga kaibigan. Pinayuhan nila si Martha na gumawa ng bagong FB account, ibahin ang pangalan, kaibiganin ang anak, pero huwag ipaalam na siya ang ina nito.

Sa ganung paraan ay malalaman niya kung ano ang kinahuhumalingan at kung ano ang pinaggagawa ng bata.

Sinunod ni Martha ang payo ng mga kaibigan at nabawasan na ang pag-aalala sa anak kasi palagi na niyang nakakausap ito ng malaya at bukas ang komunikasyon nila bilang magkaibigan.

Nalalaman niya kung ano ang nangyayari at kung saan nagpupunta ang kanyang one and only.

Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180