Nakabasag dahil sa Pokemon

NAPAPANSIN ni Lorna, 26, dalaga, at tubong Bulacan, nitong mga nagdaang araw na ang alaga niya ay palakad-lakad hawak ang iPhone sa loob ng kabahayan.

Ang akala niya ay tinatamad lang lumabas dahil sa sobrang init kaya sa bahay na lang nag-eehersisyo.

May payo raw kasi ang mga duktor na kailangan sampung libong hakbang araw-araw para sa maganda ang kalusugan.

Pabirong sinabi ni Lorna na mainit ang panahon kung sa labas maglalakad. Maganda naman ang mood ng alaga kaya maayos ang sagot na bakit pa raw lalabas ng bahay para lang manghuli ng Pokemon. Marami naman raw sa loob.

Nagtaka si Lorna kung ano ang sinasabi ng alaga. Akala naman niya tuloy nasisiraan na ito ng ulo dahil sa sobrang higpit ng mga magulang sa pag-aaral sa kagustuhang laging matataas ang grado ng bata.

Napansin ng alaga na nakatitig lang sa kanya si Lorna kaya ipinaliwanag kung ano ang laro at i -download ito. Natuto at nawili na rin si Lorna at sa kakahanap ay nasagi niya ang isa sa mga banga na nakapalamuti ng amo. Napaiyak siya at hindi niya alam kung sino ang dapat sisihin: ang sarili, alaga o ang Pokemon.

Sa galit at pagsisi ay tinanggal niya ang laro sa kanyang iPhone at sinabi sa amo na nasagi niya ang banga habang naglilinis ng sahig gamit ang vacuum.

Sinabihan siya ng amo na sa susunod ay mag-ingat dahil mahal ang mga banga.

Pinabayad siya ng $300. Humingi ng paumanhin si Lorna at nagpasalamat sa Diyos dahil hindi nagalit ang amo.

Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180