Natuto na ring kumain ng hilaw na gulay si Rose

DATI-RATI nagrereklamo ang among lalake ni Rose, 30, dalaga at tubong Tarlac, kapag medyo malutong pa ang pagkakaluto ng gulay. Medyo palambutin daw muna ito dahil nahihirapan siyang nguyain.

Ngayon ay may natuklasan siyang isang kompanyang nabibilhan ng sariwang gulay na kahit may kamahalan ay hindi naman raw ginagamitan ng kemikal na nakakasama sa kalusugan kaya masaya na siyang kumakain ng hilaw.

Ang ipinagmamalaki ng kompanya ay hindi na raw kailangang ibabad ng matagal ang kanilang gulay, di tulad ng ginagawa sa karamihang gulay na nabibili sa palengke na kailangang ibabad ng mga kalahati hanggang isang oras dahil sa dami ng pesticides na ginagamit.

Pinapahugasan lang at pinapagayat at bahala na ang amo kung ano ang gustong panimpla. Napapangiwi na lang si Rose lalo na kapag ang gulay ay broccoli, cauliflower at talong. Ang amo namang babae ay niluluto pa rin ang kinakaing gulay kahit sandali lang.

Nahahalina si Rose pagmasdan na parang sarap na sarap sa pagkain ang amo kaya naisipan niya rin sumubok at tumikim. Masarap raw pala talaga at iba ang lasa. Walang lasa o amoy pesticides at medyo matamis kaya gumaya na rin kumain ng hilaw si Rose.

Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180