Modelong Anak ng OFW ‘Pinanganak sa Athens ,Greece, nagtagumpay’

Image title

MODELONG ANAK NG OFW "LOVELY GRACE GALLEBO ESBEG "

Name: LOVELY GRACE GALLEBO ESBEG
Birthday: March 10,1994
Parents: Mr. Florentino Rosada Esbeg Mrs. Melanie Gallebo Esbeg
Place…Brgy. Namaltugan, Sudipen, La Union
Country where parents work as OFW: Saudi Arabia
Years being apart from OFW Parents: Father – 19 years Mother – 20 years

SINA LOLO AT LOLA ANG NAGARUGA, Bago ko umpisahan ang salaysay ng buhay ko bilang anak ng OFW. Gusto ko munang batiin ko kayo ng magandang araw lalo na sa mga dakilang mga magulang na nagpapakasakit sa ibang bansa sampu ng mga katulad kong mga anak ng OFW Bago ako isinilang, nangangamuhan na sa ibang bansa ang mga magulang ko. Kaya doon na ako
nabuo at pinanganak. Ganun na rin ang dalawa kong bunsong kapatid. Ako ang pangalawa sa aming apat na magkakapatid. Noong isang taong gulang ako inuwi ako ng aking mga magulang dito sa Pilipinas.

Mula noon ang mga lolo at lola ko na ang nasilayan kong nagpalaki sa akin. Dama ko ang lungkot at sakit ng mapalayo sa mga magulang. Sometimes, nananaginipan ko na yakap yakap ko sila at sa tuwing kausap ko sila sa telepono hindi ko mapigilan ang pag agos ng aking luha. Sa murang gulang ko, hindi ko maintindihan kung bakit sa ibang bansa sila nagtatrabaho. Subalit habang lumalaki at nagkakaisip ako unti-unti akong namulat na kailangan nilang magtrabaho sa ibang bansa para matustusan ang pang-arawaraw
na pangangailangan ng pamilya namin.

Lagi nila kaming pinapaalalahanan na magpapakabait at lagi nilang sinasambit na mahal na mahal nila kami, na kailangan naming magtiis sa isa’t-isa dahil magkakalayo kami. Hindi naman kami pinabayaan ng mga lolo at lola namin. Minahal at inaruga nila kami. Maraming pasasalamat sa pagmamahal, pag-aaruga at malasakit na ipinadarama sa aming mga apo nila.

Noong nasa Elementarya hanggang maggraduwet ako ay nakamit ko naman ang WITH HONORS, ganun na din nung nasa Secondarya ako. Hindi lahat ng kagaya ko ay nakakapag-aral o nakakatapos ng kolehiyo kaya mapalad ako na nakapag-enrol sa Lorma Colleges, San Fenando City, La Union at nakuha ang kursong gusto ko.

Ipinangako ko sa aking sarili na pagsikapan kong makatapos sa pag-aaral. While pursuing my dream, nakamit ko naman ang award na Best in Research sa aming school, bagay na diko inaasahan although inilaan ko lahat na makakaya ko para dito at napakasaya ko sa award na ito. Habang nag-aaral pa ako ng kolehiyo, hindi naging madali kasi sumunod na nagkolehiyo ang kapatid kong sumunod sa akin. Sa panahong iyon, hindi inaasahan na kailangang umuwi sa Pilipinas ang tatay ko. Hindi na advisable para sa kanya ang magtrabaho.

Sa loob ng 19 na taon, dalawang beses ko lang nakasama ang mga magulang ko kaya noong nag-for good ang tatay ko noong April 16, 2013, nakadama ako ng kaligayahan, kahit paano makasama na namin siya. Kaya naging mag-isa na ang nanay kong nagtatrabaho para sa amin.

Noong March 29,2014, sa patnubay ng aking lolo’t lola, but above all else w/ Divine guidance ng Panginoon, nag- graduate ako sa kursong BS Pharmacy. Pero kailangan ko pang magreview para sa board exam. As expected, gastos na naman hindi na kaya ng nanay ko na tustusan lahat dahil sumunod namang nagkolehiyo ang bunsong kapatid naming. Pero sa tulong rin ng tito at tita ko na OFW, din naka-enrol ako sa Review Center.

Laking pasasalamat ko sa ating Panginoon first of all at naipasa ko ang board exam, noong January 18-19, 2015. Napakasaya ko at nagbunga ang paghihirap ng aking mga mahal na magulang, lolo, lola at tito at tita ko. Labis akong nagpapasalamat sa mga biyayang binibigay ng Panginoon & my humble & earnest prayer na patuloy po sanang patnubayan ang mga susunod pang hakbang na aking gagawin sa buhay ko.

Sa ngayong may trabaho na ako, tungkulin ko namang tulungan ang pamilya ko para suklian ang mga sakripisyo at paghihirap ng aking mga magulang, pati na rin mga lolo,lola,tito at tita ko,na walang sawang tumulong at nagpapaalala sa akin. Taos puso po akong nagpapasalamat sa paggabay na ipinadama nila sa akin. Ito po ang maibabahagi kong karanasan bilang anak ng OFW, nawa’y sa mga kapwa ko kabataan na anak ng OFW ay magsilbi ring gabay o inspirasyon kung paano magsakripisyo na hindi kapiling ang mga magulang. Be brave always mga katulad kong Anak ng OFW at huwag padadaig sa hirap sa buhay. #modelonganakngofw