Sabik matulog si Angie

Image title

Pahinga siya pag day off


HALOS lahat o kung hindi man, karamihan sa mga kasambahay ay excited sa araw ng pahinga para makipagkita sa mga kaanak at kaibigan, mamasyal, magshopping, maipakita ang bagong gamit, cellphone, damit, bag o sapatos at magsalosalo sa niluto na delicacy ng kanilang lugar.

Kung maari lang na hilahin ang pagsikat at paglubog ng araw ay ginawa na para mapabilis ang pagdating ng araw ng pahinga. Subalit iba ang kinasasabikan ni Angie 38, may asawa at anak at tubong Camarines.

Mahigit isang taon na si Angie na naninilbihan bilang kasambahay sa mabait niyang amo pero kulang na kulang siya sa tulog, kaya kinasasabikan niya ang araw ng pahinga na lumabas para makatulog.

May sarili naman sana siyang kuwarto kaya lang hindi rin siya makatulog kung araw ng pahinga kasi may mga gamit ang amo sa silid na nakalaan sa kanya kaya labas masok pa rin ang amo.

Kaya masaya at sabik palagi si Angie makalabas at matulog kahit na hindi maganda sa kalusugan ang lugar na kanyang
natuklasan na pwede siyang makahiga.

Pagbaba niya ng bahay ay magre-remit muna siya kung kailangan at bibilhin ang pansariling pangangailangan.

Pagkatapos, babalik na siya sa lugar nila kung saan may maliit na lugar sa ilalim ng gusali para sapinan niya ng karton para makahiga. Makalipas ng dalawa o tatlong oras ay aakyat na siya para balik trabaho.

Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180