Sising-sisi si Lisa

Image title

SI Lisa, 35, tubong Cagayan, ay isang linggo pa lamang sa kanyang bagong amo. Natapos niya ang isang kontrata sa isang pamilyang may dalawang bata na super abala sa trabaho at mabusising amo kaya nagpasiya siyang humanap ng iba.

Napakarami niyang pinagpiliang amo at kabi-kabila ang kanyang interview kaya hindi siya nagkandatuto sa pamimili. Naengganyo siyang pumirma sa isang bachelorette na may mga aso sa Repulse Bay. Dahil sa walang mga batang alaga at aso lang ay nakumbinse siyang pumirma ng kontrata at umasa siya na mas magiging maginhawa ang kanyang buhay.
Ngunit taliwas sa kanyang inaasahan, non-stop din ang kanyang trabaho kahit na
mga aso lang ang kanyang alaga.

Napakaselan din ng kanyang amo, napakahilig nitong bantayan at sundan ang kanyang mga ginagawa. Maging sa pagkain ay kapos, limitado lang at hindi naman siya basta basta makabili. Mabuti na lang at may mga kapitbahay siya na minsan ay inaabutan siya ng pagkain.

Sobra-sobra ang kanyang pagsisisi, kaya lang wala muna siyang magawa dahil may mga anak siya na umaasa sa kanya. Naiisip niya na maling pili ang kanyang nagawa at laging nasa huli ang pagsisisi. Sa kanyang pagninilay-nilay sa gabi sa oras ng kanyang pahinga, naisip niya na sa paghahangad niya ng mas maginhawang trabaho ay nasadlak siya sa mas malala.

Nasa huli na ang pagsisisi para kay Lisa, sa ngayon wala siyang magawa dahil wala
pa naman siyang kahandaang pinansiyal. Naiisip din niya na dahil sa kapipili niya
ay nasadlak siya sa mas malalang kalagayan.

Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180