Walang Peace of Mind!

Image title

SA loob ng anim na buwang paninilbihan ni Ella sa kanyang amo di niya lubos na maramdaman ang tinatawag na peace of mind. Si Ella, 45, ay tubong Pangasinan.

Bukod sa halos walang tigil na trabaho dahil sa stay-in ang among babae, maging ang kanyang mga alagang bata ay walang ginawa kundi mag-utos ng mag-utos. Kahit na ang tubig ay dapat pang iabot sa mga bata at maging sa mga amo. Kayang tiisin ni Ella ang hirap ng trabaho dahil likas naman siyang matiyaga.

Isang pangyayari ang nagpabagabag sa kanya. Madalas siyang hanapan ng mga nawawala daw na mga bagay sa kanilang bahay. Tulad na lang isang araw sabi ng kanyang among babae na nawawala ang kanyang isang relo. Ramdam ni Ella na parang siya ang pinagbibintangan ng amo.

Halos mahilo si Ella sa paghahanap ng relo, nakita niya ito na parang sadyang isiniksik sa isang lugar ng kanilang flat. Hindi lang minsan ito nangyari at habang tumatagal ay dumadalas ito at ang masaklap lagi pang sinasabihan si Ella na tatawag daw ng pulis ang amo.

Naikwekwento ni Ella ang mga ginagawa at tinuturan ng amo sa kanyang mga kaibigan, at pinayuhan siyang huwag matakot lalo na at wala naman siyang ginagawang masama. Dahil sa walang peace of mind sa mga amo, nagpasya siyang mag -break contract.

Sobrang saya niya nang makatagpo agad ng bagong amo sa unang interview. Babalik na siya sa pag-aalaga ng matanda na dati niyang trabaho bago siya napunta sa kabahayang di niya nakamit ang priceless na peace of mind.

Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180