Walang utang na loob

Image title

KAPAG may swerte at biyaya na matanggap dapat daw ipamahagi para tuloy-tuloy ang pagdating nito. Naniniwala si Jessa, 43, may asawa at dalawang anak, at tubong Leyte, sa kasabihang ito kaya tinulungan niya ang mga pinsan na makapagtrabaho rin sa Hong Kong.

Nagustuhan ng amo ang serbisyo ni Jessa kaya 14 na taon na siya dito. Minsan may kaibigan ang amo na nangailangan ng kasambahay. Inirekomenda ni Jessa ang pinsang buo.

Nagkaayos naman at sinagot din ni Jessa ang lahat ng gastusin. Hindi nagtagal nakarating at
nakapagtrabaho na ang pinsan. Nagpasya ang amo na kumuha pa ng makakasama kaya hiniling ni Jessa na pinsan niya ang kunin. Kinuha nga ni Jessa ang pinsan na kapatid ng nauna niyang tinulungan.

Tumagal ng apat na taon niyang kasama dahil sinasalo ni Jessa kung may pagkakamali ito. Hindi sadyang nabasa ni Jessa sa Facebook ang usapan ng magkapatid na galit ang kasama sa kanya at sinasabi nito na wala raw silang utang na loob kay Jessa. Kinumpronta ito ni Jessa na nauwi sa away at nalaman ng amo. Kilala ng amo si Jessa kaya hinanapan ng ibang amo ang pinsan.

Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180