Hindi inaasahang pagka-akit habang nasa loob ng elevator

Karamihan sa mga kababaihan na single ay nagnanais na magkaroon ng good man na magmamahal sa kanila ng totoo . Si Amanda Sullantes matagal nang nagtatrabaho dito ay super busy sa araw-araw na gawain mas lalo na simula nang magPandemic ay kinakailangan niyang mag double job. Bago matulog ay tinawagan siya ng kaibigan na magkita sila kasama ng grupo dahil maaari nang 4 na katao ang magsama-sama. Nagplano silang magkikita sa Star Ferry .
Sumapit ang araw ng pagkikita nila, nang magkita sila ni Chona ay nalanghap niya ang gamit nitong perfume nagustuhan niya ang scent nito at tinanong ano pangalan at kung saan makabili. Sinabi ni Chona na binili ito mula sa Victory supermarket sa halagang HK$88 lamang. Nagdesisyon silang bumili bago umuwi. Dumating na din ang 2 pa nilang kaibigan at nagtungo sila sa restaurant upang kumain. Naging masaya ang kanilang pagkikita at bago umuwi ay bumili sila ng nasabing pabango.
Kinabukasan ay ginamit ni Amanda ang biniling Dream Love 1000 attraction perfume. Nasa loob siya ng lift at pumasok ang isang Pinoy napansin niyang panay ang ngiti nito sabay bigla itong nagsalita na napakabango mo naman sis. Nagulat siya na Pinoy pala ito tsinito kasi ang mata nito kaya inisip na instik ito. Nagpasalamat siya at nakipagkamay ito nagpakilala pa at sinabing sana magkita silang muli. Nagbukas na ang pintuan ng lift pero hawak-hawak pa nito ang kaniyang kamay. Saka lang nito naalalang bitawan ang kaniyang kamay sabay hingi ng pumanhin at hiningi din nito ang kaniyang numero. Ibinigay niya ang number at kinagabihan ay tumawag ito. Naging masaya ang kanilang paguusap at nagplano na magkita. Habang kausap ito ay panay sambit nito na hindi makalimutan ang samyo ng kaniyang pabango. Pakiramdam niya ay sobrang naakit ito.