Mabait na estranghero nagalok na bayaran mga pinamili

Nakasanayan na ni Sherry Duque ang buhay dito sa Hong Kong at happy siya tuwing holiday kasama ang mga barkada. Ang isa sa kanila ay binigyan siya ng pabango na Dream Love 1000, gawa sa England at sinabing magkakaroon siya ng jowa kapag ginamit ito, napangiti naman siya at sambit na sigurado ba? Sa edad niyang 27 ay single pa din at never naisip na makipagrelasyon dahil siya lang ang bread winner ng pamilya, pinagaaral sa college ang 2 kapatid.
Nang sumunod na araw ay nagwisik siya nitong nasabing pabango bago lumabas ng bahay. Nagpunta siya sa grocery hindi niya sukat akalain na mayroong isang lalaki na panay ang sunod sa kaniya, medyo kinabahan siya. Ang akala niya ay may balak itong masama sa kaniya. Pagdating sa cashier ay nakasunod pa din ito, lumapit at sinabi na ito na lang ang magbabayad ng mga pinamili niya. Mukha namang mabait ito at sinagot niyang thank you na lang.
Pagkalabas ay lumapit muli ito at nagpakilala sabay sabing magmiryenda muna sila, sinagot niya na hindi maaari dahil kailangang bumalik agad sa bahay ng amo. Hiningi na lamang nito ang kaniyang mobile number at sinabi na magkita sila kapag off niya.
Tumawag ito kinagabihan at nagkausap sila ng matagal, napagkasunduan na magkikita sa Linggo. Sumapit ang araw na pinagkasuduan, nagkita sila at nagtungo sa restaurant. Habang nasa loob ng restaurant ay panay ang kuwento nito at napuna niyang panay din ang dikit ng tuhod nito sa kaniyang hita. Nadama niyang may nais itong ipahiwatig na masidhing damdamin ngunit hindi na lang niya pinansin para hindi ito mapahiya. Naging napakaromantic ng kanilang mga sumunod na date.