Malaromantikong kilos ng guwapong lalaki habang nasa fast food restaurant

By
Image title

Subsob  sa trabaho si Marie Bolina nakatira sa New Territories. Hindi niya pansin na mabilis ang paglipas ng panahon at naging madalas ang tukso ng mga kaibigan na until now ay wala pa siyang nobyo.  Sumapit ang kaarawan at niregaluhan siya ni Fely ng upgraded Dream Love 1000 sexual perfume, gawa sa England.  Sinabing epektibo ang seksuwal na pabango para makaakit ng kalalakihan.

Sumunod na Linggo ay ginamit niya ayon sa instruction sheet ang regalong perfume. Nagpunta muna siya sa Welcome supermarket habang hinihintay ang kaibigan.  Napuna niyang may guwapong Chinese na nasa likuran at tila kanina pa sumusunod sa kaniya. Habang namimili ng orange fruit ay lumapit ito, bumati at nagpakilala bilang Jim. Sinambit na ang bango ng gamit niyang perfume at hiningi ang kaniyang mobile number para invite  siya ng lunch. Naisip niyang naparami yata ang wisik niya ng nasabing pabango dahil kahit nakasuot ng face mask ay tila nalanghap nito ang samyo ng pabango. Naalala niya na pati pala sa kaniyang buhok ay nagwisik nitong pabango.

Sumapit ang araw ng Linggo at tumawag si Jim sinabing magkita sila sa Café de Coral, habang kumakain ay napansin niya madalas ang dikit ng katawan nito sa kaniya. Naisip niya epekto ng seksuwal perfume ang kakaibang ikinilos nito. Buong maghapon silang nagkasama at naging memorable.