First 100 Days
WITH the election season nearing its climax, we asked our fellow Filipinos in Hong Kong about what they thought should the next President accomplish during his first 100 days in office.
Mary Ann Caniban, 40, married with two children, from Bacolod, has been working in Hong Kong for more than 10 years:
“Sana magawan ng paraan ang pagtigil sa korapsyon at ang lahat ng tamang pondo ay magamit sa tamang paraan, sa improvement bayan natin. I think kung talagang may malasakit sa bayan natin, talagang magawa niya yan, kapag may determination talaga siyang baguhin. Kapag walang korapsyon, mag-iimprove tayo, lahat ng pera natin mapupunta doon sa improvement ng bayan natin.
Marilyn dela Cruz, 47, married with three kids, from Nueva Ecija, seven years working in Hong Kong:
Gusto-gusto ko talagang mawala diyan iyong age discrimination. Katulad ko, dati akong empleyado, nag-resign ako pero nahihirapan na akong humanap kaya nag-OFW ako. Isipin mo graduate ka ng accountancy, magpapa-katulong ka dito. Trabaho, iyan naman talaga ang kailangan natin, magkaroon ng dagdag na trabaho sa Pilipinas. Hindi iyong kailangan pa nating magpunta sa ibang bansa. Iyong mga matatanda dapat bigyan din nila ng trabaho, kung capable pa silang magtrabaho sa fast food outlets. Kung kaya pa naman ng katawan, bakit hindi nila bigyan ng trabaho?
Lisa Europa, 52, from Iloilo, single, 22 years of working in Hong Kong:
Una, sana wala ng corruption, wala ng rape at ang lahat ng gumawa ng hindi maganda sa batas ay paparusahan. Iyong airport natin, sana matapos na ang tanim-bala na iyon at makasuhan na ang lahat ng may kinalaman doon. Pero ang number one talaga ay corruption. Lahat ng kasamaan ay pwedeng magawa dahil sa corruption, pwede kang pumatay. Iyon ang unang-unang dapat maalis sa atin. Kagaya dito sa Hong Kong, ang mga malalaking tao nakakasuhan. Hindi kinikilingan kung may pera o wala ang isang tao. Basta nakagawa ng masama sa batas, talagang ginagawan ng paraan kung paano siya mailagay sa hustisya.
Jennylyn Castillejos, 33, Cavite, six years working in Hong Kong:
Magkaroon ng madaming permanenteng trabaho para sa ating lahat. Kaya nila iyon kasi kung sino nakaupo ibig sabihin may power sila. Kung gugustuhin nila, susunod ang lahat ng Pilipino.
Belen Panti, 58, from Catanduanes, widow, 17 years working in Hong Kong:
Siyempre sana masolusyunan ang mga krimen, droga at iyong mga corrupt. Iyan ang mga pinakamalalang mga problema sa atin. Sana unahin talaga ang problema ng drugs kasi iyan ang probelma ng mga kabataan na nasira ang buhay nila.
Anna Marie Torreon, 36, Bohol, single, more than six years working in Hong Kong:
Sana mabigyang-pansin naman ang problema ng korapsyon. Iyon naman talaga ang problema sa atin kaya tayo naghihirap. Kung walang korapsyon, hindi na siguro tayo magpunta sa ibang bansa. Katulad sa aming munisipalidad, grabe talaga ang korapasyon. At saka ang drugs ay grabe na. Maliit lang ang isla namin pero, siguro at age 12, may mga (gumagamit) na ng droga. Kailangan talaga ng may paninidigan, hindi iyong takot sa mga tao. Dapat ang tao ang natatakot sa kanya.
Rowena Espinoza, 33, Davao City, married with three kids, seven years working in Hong Kong:
Ayusin nila ang airport. Kasi iyon ang unang pupuntahan natin tapos matatakot pa tayong umuwi dahil sa laglag-bala o tanim-bala.
Fina Glodo, 54, Cavite, married with two kids, 23 years working in Hong Kong:
Syempre sana bigyang priority ang employment kasi madaming walang trabaho. Kaya naman niya, basta nasa kanya si Lord. Sana talaga trabaho para umasenso ang lahat ng tao at ang condition ng living ay mai-improve.
Margarita Valencia, 28, Pangasinan, single:
Para sa akin, iyong magiging Pangulo, sana ho ay mapuksa ang pangungurakot muna at saka iyong mga krimen. Iyong pangungurakot ng mismong nasa gobyerno, kasi sila ang gobyerno, tapos sila ang unang nangungurakot, imbes na tulungan muna ang mga mahihirap.
Art Labong, 30, Samar, single, nine years working in Hong Kong:
Katulad na lang po sa isyu ng airport kasi madaming nabibiktima ng tanim-bala sa airport at saka traffic sana ayusin din. Siyempre lalo na iyong mga taong nagmamadali sa work, lagi silang nala-late at saka hindi maganda iyong patakaran ng transportation sa atin.
Dehlanee Agbayani, 43, Bukidnon, married with one kid, 10 years working in Hong Kong:
Sana iyong para sa mga OFW, sana iyong pagbubukas ng mga balikbayan boxes, sana totally “no touch” na. Dapat pati mga bagahe ng mga OFW na pag-uwi sa Pilipinas, “no touch” policy, iyon ang gusto kong mangyari sa airport. Kasi wala naman tayong ibang pupuntahan, airport to airport lang. Kung sa Pilipinas madami tayong gustong gawin, pero dahil andito tayo sa labas, pag-uwi natin dapat secured tayo.