Lungkot ng pagpanaw ng kapwa OFW, binahagi ng isang OFW lider

Image title

From Lindy Paclibar's Facebook

Binahagi ng isang OFW (overseas Filipino worker) ang kanyang emosyon sa nabalitang pagpanaw ng kapwa OFW sa HK.

Sa Facebook ni Lindy Paclibar, lider ng ilang organisasyon sa HK, malungkot na binalita nito ang pagpanaw ni Mary Grace Perater, 30 anyos, kahapon ng madaling araw (5 May).

Sa kanyang post, pinadama niya ang bahagi ng buhay ng mga OFWs, ang katotohanan na ang pagtatrabaho sa labas ng bansa ay para sa kanilang mga pamilya.

Sad but true, we work for our family

To give them a better life to give their needs

To give them a better future … we sent money Monthly we pay their bills .:: but if we get sick we cure and take care our self alone🥺

 Sa mga mahal po Namin sa buhay

Sa mga anak po Namin

Sa mga magulang , Kapatid

Kamag anak or kaibigan

Mahal Namin kayo …

Hindi po madali ang buhay Namin dito sa Abroad

 (from Lindy Paclibar’ Facebook)

 Si Mary Grace Perater na mula sa Alubijid, Misamis Oriental, ay unang dinala nasa Tsuen Mun Hospital at naoperhan noong April 1 dahil sa sakit sa chronic heart disease. Matapos ang operasyon siya ay nanatili sa ICU ng hospital.

Nilipat siya sa Prince of Wales noong 17 April mula sa Tsuen Mun Hospital dahil sa palala nitong kundisyon at muling na-operahan nang may makitang problema pa sa kanyang puso. Matapos ang operasyon na nanatili siya sa hospital, at kahapon, pumanaw si Mary Grace.

Sa panghuling salita ni Paclibar sa kanyang naipost sa Facebook, ayon sa kanya:

 Hindi po madali ang buhay Namin dito sa Abroad

Sa likod ng Masasayang ngiti Namin sa Larawan, o mararangyang hitsura Namin sa Social media

ay may mga problema  lungkot ,Lumbay ,pagud at sakit na dinaramdam nararanasan

 (from Lindy Paclibar’ Facebook)

Lindy Paclibar Facebook:

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=pfbid036DezvRB8PG8qL7tEV1bABFhi3uWVCjuwY3F1dHKzidT6xPVBD3ZZNYNRqntVDiM6l&id=100001386744205&mibextid=Nif5oz

 

Note:  With permission from Lindy Paclibar in publishing  part of her Facebook post.