Pagdiriwang ng Buwan ng Pambansang Wika ng mga Filipino sa Hong Kong

Image title

Pinagdiriwang ng mga Filipino ang Buwan ng Wikang Pambansa tuwing buwan ng Agosto.

Sa Hong Kong, ang Konsulado Panlahat ng Pilipinas at Sentro Rizal ay nakiki-isa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa sa temang “Filipino at katutubong Wika: Kasangkapann sa Pagtuklas at Paglikha.”

At para sa pagdiriwang, may hinandang programa ang Konsulado ng mga awiting-bayan sa programang MusikBayan (Musika ng Bayan) para sa pagdiriwang ng Buwan ng Pambansang Wika.

Ayon kay Vice Consul General Jose Angelo Manuel, may hinandang mga awiting-bayan na mapapakinggan simula sa araw ng ika-7 ng Agosto. At sa mga susunod pa na mga araw na Linggo (Ika-14, 21, at 28), ilan pang mga awitin ang hinanda para sa kumunidad ng Pilipinas sa Hong Kong.

Kada araw ng Linggo, may dalawa o tatlong awiting-bayan na sasaliw sa mga Filipino upang alalahanin at balikan ang ating nakalakhang kultura, ang ating  wika, at mga nakasanayan mula sa ating bansa, sa pamamagitan ng mga awiting-bayan.

Ayon kay Bb. Chariza Mae Paras ng Konsulado ng Pilipinas sa Hong Kong, ang mga awiting bayan ay sopresa para sa lahat na sa gitna ng mga pamamahinga ng bawat Filipino ay magbibigay ng saya at pagmamahal sa pambansang wika na nakasanayan sa ating bayan.

Sa MusikBayan ating matutunghayan at mapapakinggan sina Joy Carbonnel, Ruby Bofill at Beah Gumarang at si Nobel Gabasan bilang piyanista at nag-ayos ng Musika, ang mga mang-aawit na Soprano na sina Ma. Zarla Yap at Judy Honor.

Ayon kay Nobel Gabasan, mariring ng ating mga kababayan ang mga awitin sa himig na soprano na pamamaraan na kung saan ay kadalasan sa na gamit sa awiting bayan. Kung maalala daw si Armida Siguion-Reyna na siyang kilala sa isang panahon sa ating bayan na siyang nagtampok ng mga awiting Pilipino sa kanyang sopranong boses.

Ating balikan ang kasaysayan ng pagkakaroon ng Buwan ng Pambansang Wika at Linggo ng Wika.

Linggo ng Wika

Unang pinahayag ang ‘Ang Linggo ng Wika’ noong taong 1946 sa ilalim ng “Proclamation No. 35” ni Presidente Sergio Osmena. Ang Linggo ng Wika ay pinagdiriwang noon tuwing ika-27 ng Marso hanggang ika-2 ng Abril. Ang mga araw na ito ay pinili dahil ito ay nakapaloob sa isang-Linggo kung kelan pinanganak si Francisco Baltazar, ang kilalang Filipino na manunulat at makata.

Noon naming taong 1954, sa ilalim ni Presidente Ramon Magsaysay, ang Linggo ng Wika ay binago sa mga araw ng ika-26 ng Marso hanggang ika-2 ng Abril sa ilalim ng batas, “Proclamation No. 186”.  Ang dahilan umano ng pagbabago ay dahil nataon ang ang naunang mga araw na nakapaloob sa lingo ng wika ay bakasyon ng mga estudyante, ibig sabihin hindi ito maipagdidiwang ng mga mag-aaral. Pinili din ang mga araw na ito dahil sa ito ang araw ng kapanganakan ni Manuel L. Quezon na tinaguriang “Ama ng Pambansang Wika”. Ito ay kinumpirma noong 1988, ni Presidente Corazon Aquino sa ilalim ng bataw “Proclamation No. 19”.

Buwan ng Pambansang Wika

Noong taong 1997, sa ilalim ng batas “Proclamation No. 1041”, ang Linggo ng Wika ay isinabatas na gawing Buwan ng Wikang Pambansa sa ilalim ng pamamahal ni Presidente Fidel V. Ramos.

Simula ng taong 2019, ang pagtataguyod ng mga katutubong  wika ng Pilipinas ay kabilang sa UNESCO (United Nation Educatonal, Scientific and Cultural Organization) sa “International Year of Indigenous Languages”.