Dear Editor

Image title

Filipino domestic helpers during their rest day in Hong Kong.

Dear Hong Kong News,

Have a nice day sa inyong bumubuo ng pahayagang naging bahagi na ng aking buhay sa Hong Kong. Maraming salamat sa inyo at more power!

Nagpasya akong sumulat sa inyo unang-una para magpasalamat sa walang humpay na pag-uupdate sa amin. Ang isa pang dahilan ng aking pagsulat ay upang paalalahanan din ang aking mga kapwa OFWs na maging pro-active pag may mga ibinibigay sa ating mga gamit, at kung ano pa man, ang ating mga employers.

Nakaka-alarma ang mga nababalitaan ko na pinagbibintangang nagnakaw ang kanilang mga helpers na kadalasan naman ay walang katotohanan ang bintang, dahil binigay naman nila ang mga gamit ng kusa.

Kahit pa gaano kabait ang ating mga employers, it pays to be “pro-active” dahil hindi natin alam ang maaaring mangyari in the future.

Makabubuting pag may ibinigay ang ating mga employers ay itala o i-diary natin ito. Maaari ring i-share ang pangyayari sa mga kaibigan o kapamilya na pwedeng magsilbing witness sa mga pangyayari lalo na kung may halaga ang mga bagay na ipinamimigay ng amo.

Munting paalala lang na sana ay mabasa ng aking mga kapwa OFWs sa pamamagitan ng inyong pahayagan. Again, heartfelt thanks at mabuhay po kayo!

Sumasainyo,

Nika L.

Kennedy Town