30-anyos na Pinoy, nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng pag-slash ng lalamunan

Image title

Agad na sumaklolo ang otoridad ng Hong Kong sa 30-anyos na lalaking Filipino domestic worker sa pagtangka niyang pagpapakamatay ayon sa ulat ng Pulis ng Hong Kong.

Ayon sa ulat ng Pulis ng HK, nakatanggap sila ng tawag mula sa kasamahan sa trabaho ng Pinoy domestic worker bandang alas 9:40 ng umaga noong 4 August.

Nakita ng ka-trabaho ng ang Pinoy ay nakahandusay na duguan sa loob ng kuwarto nito sa address ng kanilang employer na pinagtatrabahuan sa 10 Tai Long Wan Road, Chai Wan.

Agad na sumaklolo ang Pulis at ambulansiya sa nasabing address.

May malay ang OFW nang ito ay dalhin sa Pamela Yeude Nethersole Eastern Hospital.

Sa paunang inbestigasyon ng Pulis, ang Pinoy ay may sugat sa 10cm na sugat sa lalamunan, at 3cm na sugat naman sa bandang kaliwang dibdib nito.

Wala ding nakuha na suicide note sa kuwarto ng Pinoy bagamat pinaghihinalaan na may intensiyon itong magpapakamatay, ayon pa rin sa Pulis ng HK.

Hanggang sa kasalukuyan, sinusubukan ng HKNEWS na kunin ang kundisyon ng OFW sa HK Hospital Authority at sa Philippine Consulate.

Paalala: Sa mga may dinadalang mabigat na problema, maaring tumawag sa sumusunod na organisasyon na maaring tumulong:

The Samaritan Befrienders Hong Kong: 2389 2222
Lifeline: 2382 0000
Caritas Xiang Qingxuan: 18288
Social Welfare Department: 2343 2255
The Samaritan Hotline (multilingual): 2896 0000
Tung Wah Group of Hospitals Zhi Ruo Yuan : 18281
Hospital Authority Mental Health Hotline: 2466 7350
Liminhui: 3512 2626
Jockey Club Youth Emotional Health Online Support Platform “Open 噏”: http://www.openup.hk