Global signature campaign to abolish OEC, target to get 40,000 signatures
Nasa 38 na organisasyon ang dumalo sa kauna-unahang Leaders’ Kapihan ng taong ito ng Migrante-Hong Kong na ginanap sa nasabing petsa.
Panauhing pandangal si Joanna Concepcion, taga Pangulo ng Migrante International at ni Atty Edwin dela Cruz mula sa International Seafarers Action Network.
Ayon sa ulat ng grupo sa kanilang Facebook Page, naging masigla ang talakayan. Nanguna ang usapin sa overseas employment certificate (OEC) sa pagtalakay ng mga isyu ng mga overseas Filipino workers (OFWs).
Naging masigla din ang pagtalakay sa isyu ng malaganap at pwersahang bayarin ng mga OFWs, tulad ng PhilHealth, Pag-Ibig, SSS, at compulsory insurance.
Hindi rin nawaglit sa pagtalakay ang malaganap na isyu ng covid cash assistance gayundin mga isyu ng ating kababayan na nasa death row gaya ni Mary Jane Veloso at mga usapin ng illegal recruitment and trafficking at marami pang iba.
Naging mainit din ang mga katanungan sa kalagayan ng ating mga kapatid na seafarers gaya ng blacklisting sa mga seafarers at di na makasakay ng barko, ang kawalan ng sahod o allowance ng mga bagong graduate na seafarers kapag sila ay sumasakay ng barko para magkaroon ng karanasan sa pagsakay.
Sa pagtatapos ng pulong, bilang tugon sa malawak na usapin ng mga OFWS, napagkaisahan ng mga dumalo sa Leaders’ Kapihan na :
- Ilunsad ang mga talakayan at diskusyon ng mga isyu sa mas marami pang grupo at asosasyon.
- Ilunsad ang global signature campaign para tangalin/abolish ang OEC. Sinimulan na ito sa HK at palalaganapin sa ibang mga bansa. Target na makalap ng signature globally ay 40,000 (both online and face to face at isubmit sa POLO, Kongreso at Department of Migrant Workers.
- Magpapatawag ng dialogo kay Sec Ople para ibigay ang nakalap na signature laban sa OEC at talakayin ang iba pag maiinit na issues
- Joint letter to appeal for Mary Jane Veloso’s clemency para siya mapauwi na Pilipinas. This will be sign by different organization at sa HK ay ibibigay natin ito sa Indonesian Consulate
- Paglulunsad ng mga pagkilos -protesta, piket action at rallies para isulong ang mga kampanya.