Posts by Imelda Mae Bustinera

Image title

aaaIsa sa dahilan ng mga OFW kung bakit naiisipan mangibang bansa at magtiis ay ang kagustuhang mapagtapos ang mga anak ng pag-aaral. Si Myra, 43, may asawa at apat na anak, at taga Masbate ay nagsikap makatapos ng pag-aaral at nakapagtrabaho naman pero nang mag-asawa at magkaroon ng mga anak ay hindi na sapat ang kinikita kahit na pagsamahin pa ang sahod nilang mag-asawa. Naisipan niyang mangibang bansa upang  mamasukan bilang kasambahay. Hindi niya namalayan ang paglipas ng panahon at napagtapos na niya ang panganay sa kolehiyo at ang pang...

September 5, 2017
Image title

aaaSALAMAT at kahit papaano ay marami na tayong napaglilibangan para maibsan ang pagod at hirap na dinaranas sa pagiging malayo sa pamilya at kabiguan na magamit ang mga pinagtapusan sa pagaaral dahil napilitang magtrabaho bilang kasambahay. Dati-rati noong mga panahon ang kadalasan mapaglibangan sa tuwing araw ng pahinga ay ang pagsusugal, pagpunta sa diskohan, sa karaoke o kaya yung mga walang panggastos ay umuupo na lang sa isang lugar at nagbabasa ng pocketbooks at ang iba nagtitsismisan na nagdudulot pa ng away. Ngayon mahi...

August 18, 2017
Image title

aaaKAPAPASOK pa lang ng buwan ng Mayoay kabi -kabila na ang natatanggap na pagbati ng Happy Mother’s Day ni Emma, 38, may asawa at anak, at tubong Albay. Ngunit sa sa halip na matuwa ay kalungkutan ang nararamdaman dahil isang buwan pa lang ang nakakaraan ng pagkamatay ng kanyang ina. Noong isang taon ay nabati pa niya sa telepono ang kanyang pinakamamahal na ina at sinagot din si Emma ng kanyang ina ng Happy Birthday dahil magkasunod o minsan natataon na kaarawan din ni Emma. Itong taon na raw ang pinakamalungkot na pagdiriw...

May 19, 2017
Image title

aaaHIYANG-hiya si Clara ,30, may asawa at anak, tubong Baguio, sa ginawa ng kasambahay ng kaibigan ng amo niya. Magkaklase ang mga alaga nila kaya sa tuwing magkukuwento ang dating alaga ng kasambahay sa mga kaklase at kaibigan ay nahihiya si Clara. Ninakaw daw ng kasambahay ang pera nilang magkapatid na nagkakahalagang anim na libo, wala na raw ang mga damit at nag-iwan daw ng sulat na humihingi ng sorry sa mommy nila. Napakabait ng amo na ito at ang sabi kay Clara sana raw nagsabi lang ang kasambahay na kailangan niya ng pera. ...

March 20, 2017
Image title

aaaHINDI pinapansin ni Diana, 30, dalaga, tubong Marinduque, ang mga manliligaw niyang Pinoy dahil ang gusto niyang mapangasawa ay dayuhan. Bata pa kasi siya marami na siyang naririnig noon na kaya nakapagpatayo ng magandang bahay at nakapunta sa ibang bansa si ganito at si ganun kasi nakapag-asawa ng taga ibang bansa. Kaya iyon ang nakatanim sa utak ni Diana. Ito na rin ang naging dahilan kung bakit naisipan niyang magpunta sa Hong Kong at mamasukan kahit kasambahay sa pagbabakasakaling makapag-asawa din siya ng isang banyaga na ...

February 6, 2017
Image title

aaaHINILING ng nag-iisang anak na mag-swimming party bilang pagdiriwang ng ika-15 kaarawan sa ina nito na si Martha, 42, hiwalay at tubong Cebu. Hindi pinagbigyan ni Martha ang anak at sinabing isang libo lang ang ibibigay niya para ipang libre sa mga kaibigan. Nagkaroon sila ng pagtatalo hanggang isang araw ay hindi na nakipag-usap ang anak. Hindi na rin siya makapag padala ng mensahe sa FB dahil hindi na niya mahanap ang account nito. Kaya wala na siyang nababasang balita tungkol dito. Napagtanto ni Martha na nablocked na pal...

December 5, 2016

aaaNAPAPANSIN ni Lorna, 26, dalaga, at tubong Bulacan, nitong mga nagdaang araw na ang alaga niya ay palakad-lakad hawak ang iPhone sa loob ng kabahayan. Ang akala niya ay tinatamad lang lumabas dahil sa sobrang init kaya sa bahay na lang nag-eehersisyo. May payo raw kasi ang mga duktor na kailangan sampung libong hakbang araw-araw para sa maganda ang kalusugan. Pabirong sinabi ni Lorna na mainit ang panahon kung sa labas maglalakad. Maganda naman ang mood ng alaga kaya maayos ang sagot na bakit pa raw lalabas ng bahay para lan...

September 13, 2016
Image title

aaa


HALOS lahat o kung hindi man, karamihan sa mga kasambahay ay excited sa araw ng pahinga para makipagkita sa mga kaanak at kaibigan, mamasyal, magshopping, maipakita ang bagong gamit, cellphone, damit, bag o sapatos at magsalosalo sa niluto na delicacy ng kanilang lugar. Kung maari lang na hilahin ang pagsikat at paglubog ng araw ay ginawa na para mapabilis ang pagdating ng araw ng pahinga. Subalit iba ang kinasasabikan ni Angie 38, may asawa at anak at tubong Camarines. Mahigit isang taon na si Angie na naninilbihan bilang kasam...

July 13, 2016

aaaDATI-RATI nagrereklamo ang among lalake ni Rose, 30, dalaga at tubong Tarlac, kapag medyo malutong pa ang pagkakaluto ng gulay. Medyo palambutin daw muna ito dahil nahihirapan siyang nguyain. Ngayon ay may natuklasan siyang isang kompanyang nabibilhan ng sariwang gulay na kahit may kamahalan ay hindi naman raw ginagamitan ng kemikal na nakakasama sa kalusugan kaya masaya na siyang kumakain ng hilaw. Ang ipinagmamalaki ng kompanya ay hindi na raw kailangang ibabad ng matagal ang kanilang gulay, di tulad ng ginagawa sa karamihan...

March 30, 2016

aaaMALIIT pa lang si Claudette, 28, dalaga, at tubong Ilocos, ay pangarap na niya ang magkaroon ng malaking bahay. Sinikap niyang makapagtapos ng pag-aaral para makapag trabaho ng may malaking sweldo at mag-ipon para sa pangarap niyang malaking bahay. Hindi naman siya nahirapan makahanap ng trabaho. Pero makalipas ang isang taon ay wala pa ring naiipon si Claudette sa liit ng pasahod at mahal ng mga bilihin. Halos walang natitira sa sahod niya at nakakapangutang pa nga siya bago dumating ang sahuran. Nababagot na si Claudette at pakiramdam ...

February 24, 2016
Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180