Modelong Anak ng OFW “Hindi sagabal ang matarik na bundok para makamit ang pangarap”

Image title

Anak ng OFW Name: JULIUS CAESAR MASI AMOYEN

Date of Birth: April 5, 1995.

Name of parents: Rogelio B. Amoyen & Petronila Masi Amoyen.

Country where his mother works as OFW: HONG KONG

Ang kanyang kwento: Anim na taong gulang pa lang ako noong bumalik si mama sa HK upang magtrabaho ulit bilang OFW. Dati na kase siya sa Hong Kong bago sila nagkakilala ni papa.

Masakit po sa kanya na iwanan kaming tatlong magkakapatid at si papa pero yon lang ang tanging paraan para ma-tulungan si papa sa aming mga pangangailangan.

Sa aking murang edad, ramdam ko kung gaano kalaki ang puwang nang mawala si mama sa aming piling…Masakit…Taon 2004 biglang nagkaroon ng napakalaking dagok sa aming buhay.

Na-stroke si papa. Pero nagpapasalamat pa rin kami sa Panginoon dahil naka-survibe siya. Ninais namin na sana’y uuwi na lang si mama dahil papaano na kami kung hindi na makabangon si papa. Pero hindi umuwi si mama at nagpatuloy sa pagtrabaho sa abroad dahil kinailangan na ng maintenance ni papa.

Napakabait ng Diyos at nakalakad rin si papa pero pilay na, gayon pa man hindi siya inalis sa kanyang trabaho bilang treasurero ng Barangay. Napakabigat man ang situasyon namin sinikap kong hindi maapektuhan ang aking pag-aaral at napanatili ko po ang aking pagiging first honor sa elementary.

Walang high school sa aming barangay dahil nasa remote area po kami kaya ako’y nag-aral ng seconday sa Old Sudipen National High School sa kabilang barangay kung saan isang mataas at matarik na bundok ang pagitan. At ang means of transportation ay mga motorsiklo kung saan ang one way fare ay 100 pesos.

Napakalaking halaga na sa akin yong 100 pesos dahil wala akong sapat na allowance kaya nag-decide akong lakarin na lang ang mataas na bundok papunta sa aming school dala-dala ang aking baon. Kung minsan tinatawanan ako ng mga lumalampas sa akin habang naglalakad pero kailangan kong magpakatatag at tiisin ang hirap at naging inspirasyon ko ang aking pangarap na makapagtapos sa pagaaral.

Noong mag-high school na rin ang nakababata kong kapatid, may kasama na rin akong naglalakad paakyat at pababa sa bundok. Hindi man ako laging number one sa secondary naging consistent honor student po ako hanggang 4th year kung saan ako na ang valedictorian.

Lalo ko pong pinag-igi ang aking pagaaral noong nasa college na ako. Ayaw ko pong malaglag sa pagiging scholar dahil alam kong napakalaking tulong na po sa aking mga magulang ang free tuition.

At naging Dean’s lister at Chancellor lister rin po ako ng ilang semesters. Noong nakaraang April, nagtapos po akong MAGNA CUM LAUDE, BS Agriculture, sa DMMMSU (Don Mariano Marcos Memorial State University, La Union North).

Gusto kong ialay ang tagumpay ko sa aking pag-aaral ss aking nanay na nagpapakasakit sa ibang bansa at sa aking tatay, na kahit may sakit siya, he did not give up. Higit sa lahat, nagpapasalamat ako sa Panginoon. Naniniwala po ako na Siya ang nag-provide sa akin ng strength & wisdom.

Kaya, sa mga tulad kong mga anak ng OFW, don’t give up. CONQUER the HIGH MOUNTAIN at anumang hadlang upang makamtan ang ating pangarap.

Julius’ mother Petronila wants to covey her sincerest thanks to her employers Mr & Mrs. Leo & Auspina Leung of Sai Wan Ho, HK for their kindness.