Kahit malamig maligo pa rin

Image title

TUWING umaga ay bumababa si Daria, 38, may asawa at dalawang anak, taga -Sampaloc para kumuha ng libreng diyaryo sa gusali nila. Nang paakyat na siya ay napansin niya ang isang babae na ilang beses pa lang
niya nakikita na nangingilid ang luha.

Kinumusta ni Daria ang babae at nakipagkwentuhan pansamantala at kaya pala parang naiiyak dahil unang pagkakataon pa lang na nakakaranas ng panahon ng taglamig. Sanay tayo na tatlong uri lang ng panahon
mayroon ang ating bansa – tag-init, tag-ulan, at tag-tuyot. Kaya hirap na hirap daw tuwing maliligo itong nakasalubong na babae.

Halos ayaw niya raw maligo dahil sa sobrang lamig kaya minsan lang daw kung maligo sa loob ng isang linggo.
Kung maari lang daw umuwi muna sa Pilipinas at bumalik na lang kung hindi na malamig ang panahon.

Ipinaliwanag ni Daria na lalong maginaw ang pakiramdam kung hindi naliligo. Sinabi ni Daria na noong unang dating niya sa Hong Kong at makaranas ng taglamig sa unang pagkakataon ay ganoon din ang kanyang naging pakiramdam. Dagdag pa niya, umiiyak daw siya at tinatawagan ang ina para ikwento ang hirap
na dinaranas.

Hanggang may nakilala raw si Daria na tinuruan siya kung paano maging madali ang pagligo. Kaya binigyan din ni Daria ng paraan para hindi mahirapan maligo any babae. Subukan daw na panatilihin lang nakabukas
ang shower para patuloy na magbigay ng mainit na usok at maging mainit ang paligid. Ilihis na lang at patamain sa dingding ang tubig kung magsasabon. Natuwa ang babae susubukan niya raw kung may silbi ang itinuro ni Daria. Sana raw masunod niya ang ipinayo sa kanya at hindi na siya tamarin maligo.

Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180