May lungkot ang Mother’s Day

Image title

KAPAPASOK pa lang ng buwan ng Mayoay kabi -kabila na ang natatanggap na pagbati ng Happy Mother’s Day ni Emma, 38, may asawa at anak, at tubong Albay.

Ngunit sa sa halip na matuwa ay kalungkutan ang nararamdaman dahil isang buwan pa lang ang nakakaraan ng pagkamatay ng kanyang ina.

Noong isang taon ay nabati pa niya sa telepono ang kanyang pinakamamahal na ina at sinagot din si Emma ng kanyang ina ng Happy Birthday dahil magkasunod o minsan natataon na kaarawan din ni Emma.

Itong taon na raw ang pinakamalungkot na pagdiriwang na Araw ng mga Ina at kaarawan niya dahil batiin niya man ay hindi na niya maririnig ang bati ng mapagmahal na ina.

Sana raw dumating ang panahon na maging masaya uli ang kanyang kaarawan.

Hangad din niya na maging ang pag-alala sa Mother’s Day ay kaunting lungkot na lamang ang madarama.

Binabati pa rin daw ni Emma ang mga ina. Hindi nga naman lahat ay dumaranas ng kalungkutan tulad niya. Bakit niya raw idadamay ang iba? Happy Mother’s Day!

Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180
Ads 240x180