Modelong Anak ng OFW “She counts everything as blessing”

Image title

Name: CLAIRE B. NOTARTE
Birthday: February 3, 1993
Parents: Elvira Bat-oc Notarte & Carlos. Notarte (deceased)
Place: Brgy. Duplas, Sudipen, La Union
Country where her mother works as OFW: Singapore

TATLONG buwan pa lang daw ako noong magtungo ang aking mahal na ina sa Singapore para magtrabaho bilang OFW kaya ang nakagisnan kong nag-aruga sa akin ay ang aking ama, dalawang older brother, at iba pang mga relatives.

Busog ako sa attention at pagmamahal mula sa kanila pero hindi pa rin napawi ang aking nadaramang lungkot at murang pag-asam na sana’y makita, maakap at makapiling ko rin ang aking ina.

Grade 4 na ako sa elermentary noong magbakasyon ang aking ina. At first, nahihiya ako sa kanya. First time ko kase siyang makita at makapiling mula nang magkamalay na ako. Gayon pa man, napawi rin ang aking hiya sa kanya after a few days being together. Noon ko lalong naintindihan kung bakit kailangan niyang magtrabaho sa ibang bansa. Bilang pagpapakita ng aking deepest & sincerest appreciation sa kanyang sakripisyo, nag-aral rin akong mabuti dahil alam ko na isa sa kanyang reasons kung bakit siya nagpapakasakit sa ibang bansa ay upang lumaki at makapag-aral ako ng maayos at magkaroon ng magandang kinabukasan.

Naging consistent 1st Honor po ako from Gade 1-5 at salutatorian naman noong ako’y Grade 6. Mag-1st year high school po ako nang dumating ang napakatinding hinagpis sa aking buhay. My 1st idol passed away— -ang aking ama.

Pakiramdam ko noon ay parang nabali na ang aking pakpak to move on dahil siya ang itinuturing kong wind beneath my wings. But life must go on. I believed that God has a good purpose and reason in every situation and I always count everything as a blessing.

Ipinagpatuloy ko ang aking secondary education sa Duplas National High School. First Honor po ako from 1st year- 3rd year at nag graduate po ako sa high school na valedictorian. Nagkolehiyo po ako sa Saint Louis College, San Fernando City, La Union at nag-graduate po ako sa BS Accountancy noong April 2013. After graduation, nagpunta po ako sa CPA Review Center of the Philippines sa Sampaloc, Manila from May-Sept. 2013 at nag join agad sa exam noong October 2013.

Nagpapasalamat ako sa Poong Maykapal dahil sa kanyang divine guidance nakamit ko ang aking pangarap— nakapasa ako at naging certified CPA. At noong Jan -Dec 2014, naging Account Processor po ako sa Metro San Fernando Water District at sa kasalukuyan ay interim internal control officer sa nasabing kompanya.

Looking back, labis ang pasalamat ko sa ating Panginoon dahil alam kong siya ang nag-provide sa akin ng wisdom para makamtan ko ang aking pangarap. He provided me courage para mapagtagumpayan  ang mga mabibigat na trials at challenges n buhay.

Lastly, my humble advice po sa mga kapwa kong mga anak ng OFW ay suklian din sana natin ang mga sakripisiyo ng ating mga magulang sa ibang bansa sa pamamagitan ng pagpupursiging makatapos sa pag-aaral ng maayos.

Ang matatanggap natin na diploma ay malaking kaligayahan at karangalan na para sa kanila…Kailangan natin ng self descipline upang makamit ang ating pangarap kahit na malayo sa atin ang mga magulang. Most of all, always put GOD first above everything.