Natuwa ang amo dahil sa diskarte

Image title

OFWs in Statue Square

SA lahat ng nakakainis ay ang magtrabaho nang may naglalakad-lakad at humahara-hara sa pinagtatrabahuhan kaya habang tulog pa ang mga amo ay sinasamantala na ni Divina ang paglinis ng kabahayan lalo na sa may sala.

Patapos na sa nililinis na isa sa tatlong kubeta si Divina nang lumabas ang among babae at inutusan siyang bumili ng tinapay. Itinigil ni Divina ang gingawa at nagbihis. Palabas na siya ng bahay ay ihinabol ng amo na idaan sa laundry shop ang  suit para isahan na lang raw ang lakad.

Pagsakay ng elevator ay napansin ni Divina baliktad ang T-shirt niya pero hindi na siya bumalik para baliktarin. Nang nagbabayad na siya ng tinapay ayaw tanggapin ang perang iinaabot niya at sinabi ng tindera na ipalit daw sa HK Bank na katabi lang ng bakery.

Nakita ni Divina na ang haba ng pila  kaya nahiya siyang mapansin na baliktad ang damit niya kaya ipinasya ni Divina bumalik na lang at aabutin siya ng mga kinse minutos sa haba ng pila.

Naalala niya na sukli sa laundry shop ang pera kaya ibinalik niya ito. Pag-uwi ni Divina nakangiti siya nang iabot sa amo ang tinapay at itinuro ang suot kaya natawa na rin ang amo. At ikinuwento niya ang nangyari sa pera. Dapat alam daw ng laundry shop na hindi na dapat isinusukli ang luma at maruming pera.  Mabuti na lang daw hindi ipinalit sa bangko ni Divina  dahil may service charge  daw  sabi ng among lalaki. Si Divina, 28, ay dalaga  at tubong CamSur.